Huwebes, Enero 23, 2014

World History by Denver and PAmela

World History

Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."

Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.

Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.

Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.

Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.

Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.

Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

Kami, mga mag-aaral ng Sacred Heart Academy of Lupao, Inc. , ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.

Layunin ng blog na ito na:
1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo
2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito.
3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasan

Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.

Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!

 ANG KABIHASNAN NG GRESYA

Heograpiya:
                 
Hangganan:
  1. Silangan – Aegean Sea
  2. Kanluran – Ionian Sea
  3. Timog – Mediterranean Sea

  • estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pangingisda
  • mga daungan o look
  • maganda sa labas, ngunit mabato, mabundok at malubak sa loob
  • highly motivated ang mga Griyego sa kanilang kapaligiran, kaya’t mataas ang antas ng lakas at talino

Heograpiya:
  • Timog – Silangan ng Europe
  • Balkan Peninsula
  • Irregular ang baybay dagat at maraming magandang daungan
  • Binubuo ng 1000 pulo
  • Crete – pinakamalaking pulo
  • Hindi nabiyayaan ng mainam na yamang likas ang kalupaan ng Greece
  • 75% - kabundukan
  • Mabato, hiwa-hiwalay, pulu-pulo, mabundok at hindi patag ang mga lupain kaya ang nabuong kabihasnan ay mga watak-watak na lungsod-estado


Sinaunang Kabihasnan ng Minoan at Mycenaean
Archaic Greece (1450 - 700 B.C.E.)

Kabihasnang Minoan 









  • kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Greece
  • Crete
  • Pinamunuan ni Haring Minos na anak ni Zeus at Europa
  • Cretan – mahuhusay na manlalayag at mangangalakal
  • Sir Arthur Evans – isang English na arkeologong nakadiskubre sa kabihasnang Minoan nang mahukay ang Knossos noong 1899
  • Knossos – maunlad na lungsod at sentro ng Minoan na nasira dahil sa lindol, pagkasunog at pananalakay ng mga dayuhan
  • Minotaur – isang dambuhala na may ulo ng toro at katawan ng tao na nasila ni Theseus, hari ng Athens





         Palasyo sa Knossos

                        
                            Sir Arthur Evans
              
                               Labyrs of Gold




Kabihasnang Mycenaean
 

  • Kilalang hari si King Agamemnon ng Mycenae
  • adiskubre ni Heinrich Schliemann
  • Mycenaean = Achaeans
  • Mycenae – pinakamalaking lungsod ng Mycenaean
  • Ang karibal ng Troy, isang mayamang lungsod sa Asia Minor


posted by: Pamela Bagalay




Kulturang Hellenic
Hellenic/ Classical Greece (700 - 324 B.C.E.) 


o Hellen – ninuno
o Hellenic – kabihasnan
o Hellas – bansa
o Hellenes – tao
  • Tinatayang nagsimula sa unang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus (Olympics, 776 BCE)

Mga Akda ni Homer:

  1. Iliad – tungkol sa digmaan ng mga Griyego at Trojan (Trojan War)
  2. Odyssey – Odysseus – pagbalik sa Greece matapos ang Trojan War



   



12 OLYMPIANS
Pangalang Griyego
Pangalang Romano
Statuwa
Diyos/ Diyosa ng:
Zeus
Jupiter
Chief God at pinuno ng Mt.Olympus; diyos ng kalangitan, kidlat at hustisya.
Hera
Juno
Reyna ng mga Diyos at ng langit; diyosa ng mga kababaihan, ng kasal at ng pagka – ina.
Poseidon
Neptune
Diyos ng Karagatan; lindol; gumawa ng ma kabayo
Demeter
Ceres
Diyosa ng Fertility, agrikultura, kapaligiran at mga panahon
Hestia**
Vesta
Diyosa ng hearth at tahanan
Aphrodite
Venus
Diyosa ng pag-ibig, kagandahan, desire, at fertility.
Apollo
Apollo
Diyos ng Araw, liwanag, pagpapagaling, musika, tula, propesiya, archery at katotohanan
Ares
Mars
Diyod ngh Digmaan, pagkagalit, at pagdanak ng Dugo
Artemis
Diana
Diyosa ng pangangaso, ng mga dalaga, at ng Buwan
Athena
Minerva
Diyosa ng Katalinuhan, at strategic battle.
Hephaestus
Vulcan
Panday ng mga Diyos; diyos ng apoy
Hermes
Mercury
Kartero ng mga Diyos; diyos ng komersyo, bilis, magnanakaw at kalakalan
**Hades
Pluto
Diyos ng Impiyerno
**Dionysus
Bacchus
Diyos ng Alak
**maaaring magkapalit


Lungsod-Estado ng Athens at Sparta 


Demokratikong Polis ng Athens


  • Demokratikong Polis
  • Cradle of the Western Civilization
  • Malapit sa karagatan (kalakalan)
  • Kapatagan na may mga burol at bundok (Mt. Lyccabettus)
  • Iniwasan ang sentralisadong pamumuno at monarkiya

Pamahalaan

  • Isinilang ang DEMOKRASYA – pamahalaan ng nakararami
o Solon (638-559 BCE)
§ Lumikha ng Council of 400
o Pisistratus (608-527 BCE)
o Cleisthenes
§ Ostracism – pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na mapanganib sa Athens
o Pericles (443 – 429 BCE)
§ Tugatog ng demokrasya
§ Pag-upo sa opisina ng mga karaniwang mamamayan
  • Direct Democracy – direktang nakababahagi ang mga Athenians sa pagpili ng kinatawan at maaaring manungkulan
o Subalit hindi kasama ang mga babae at banyaga

Kultura 

  • Lahat ng mga lalaki ay edukado
o Sa edad na 7 – 18 taong gulang, sila ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan o mga pribadong tutor; walang pampublikong paaralan
§ Pagbasa
§ Pagsulat
§ Math
§ Palakasan
§ Pagkanta at Paggamit ng mga instrumento
o Pagdating ng 18 taong gulang, sila ay sumusumpa sa harap ni Zeus, pamilya at kaibigan upang ganap ng maging mamamayan ng Athens
o Katungkulan: sa umaga - magtrabaho, sa gabi - makipagpulong




Mandirigmang Polis ng Sparta




  • manidirigmang polis
  • matatagpuan sa Peloponnesus
  • sandatahang lakas at militar
  • pananakop ng lupain at pagpapalakas ng militar
  • Lacedaemon – dating pangalan
  • Oligarkiya
  • Karibal ng Athens

Pamahalaan
Mga Hari
  • lahi ni Hercules
  • 2 inihahalal ng aristokrato
  • Pangunahan ang sundalo at panrelihyong ritwal
Assembly
  • kalalakihan lampas 30 taong gulang
  • magpasa ng mga batas, magpasya kung digmaan o kapayapaan
Ephors at Elders
  • 5 bagong miyembro ng Ephors
  • 28 na tao lampas 60 taong gulang ang mga Elders

Uri ng Lipunan
  1. Aristocrats – mayayaman, pakikidigma
  2. Perioeci – mangangalakal, malalayang tao
  3. Helots – magsasaka, alipin
Kultura 

  • militaristiko – makagawa ng mga mamamayang magtatanggol sa Sparta; maging pinakamalakas sa Gresya; manakop ng lupa
o 7 taong gulang ang simula ng training ng military
o 20 taong gulang magpapakasal
o 30 taong gulang maninirahan sa kampo military hanggang 60 taong gulang
  • May kalayaan ang mga kababaihan
o Makapagproduce ng malusog na bata
  • mahilig sa bugtong, sports
  • takot sa pagbabago
  • Xenophobia – takot sa dayuhan
  • Mas mahalaga ang militar

Dahilan ng Pagbagsak 

  • Athens
  • Rebelyong Helots
  • Kurapsyon
  • Pagbaba ng birth rate
  • Kakulangan sa teknolohiya


Athens at Sparta 
Polis – lungsod – estado ==> mamamayan, teritoryo, soberanya, pamahalaan
==>Malaya, may sariling pamahalaan at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa isang lungsod
  • *Acropolis – pinakamataas na lugar ng lungsod – estado kung saan itinatayo ang mga templo
  • * Agora – bukas na lugar kung saan maaaring magtinda o magtipun-tipon ang mga tao



ATHENS
SPARTA
Layunin:
matatalino
isip
“Estado para sa Tao”
malalakas
katawan
“Tao para sa Estado”
Pamahalaan:
Demokratiko – nakararami
==>”demos” – tao
==>”kratos” – kapangyarihan
Ostracism – pagpapatalsik ng pinunong banta saAthens
Oligarkiya – iilan
Kultura:
malalaya
Laconic – Laconia
==> matipid magsalita
military culture
==> phalanx – depensa sa digmaan

Persian Wars
(449 - 479 B.C.E.)
 
  • pinamunuan ni Darius the Great ang Persia
  • tinulungan ng Athens ang Eretria sa Asia Minor
  • nagpadala ng hukbong pagdigma sa Gresya

PERSIAN WARS
Pinuno ng Gresya
V
S
Pinuno ngPersia
Naganap
Battle of Marathon

Miltiades (Athens)
Darius
mag-isang nilabanan ngAthens dahil hindi tinulungan ngSparta, bunsod ng religious feast at pamahiin
Battle of Thermopylae(isang pass o makipot na pook)

Leonidas
(Sparta)
Xerxes
ipinagkalulo ni Ephialtes ang daan tungo sa Thermoplyae
natalo ang 300 Spartans
Battle of Salamis (isang kipot sa Athens)

Themistocles
(Athens)
Xerxes
labanan sa tubig at lupa
Battle of Platea

Mardonus (Athens)
Xerxes
tuluyan nang bumalik ang mga Persiano sa kanilang lupain


Panahon ni Pericles:
Ang Golden Age ng Athens
 
  • Golden Age ng Democracy

Golden Age - pinakamataas na antas ng: 
  • kapangyarihan
  • kayamanan
  • kultura
  • kapayapaan


Pericles 
  • anak nina Xanthippus at Arigaste na nasa upper class
  • nakapangasawa ng isang Hateran na si Aspasta
  • guro: Anaxagoras (pulitika, pagdedebate), Damon (musika) at Zeron (math)
  • statesman sa loob ng 40 taon
  • unang ideal na demoksrasya – lahat ay pantay-pantay
  • nagpatayo sa Parthenon, ang templo ni Athena
  • Naxos – pinasunog dahil sa pag-agaw ng Delian League
  • Cimon – karibal ni Pericles
  • Orator o mananalumpati

Pamana ng Golden Age ng Athens 
  • demokrasya
  • trial by jury – paghaharap sa 500 jury
  • epics – mahahabang tula tungkol sa mga bayani at diyos
  • scientific method
  • architecture
  • theatre
  • Socratic Method – Question and Answer method
  • Philosophy
  • Olympics (karangalan ni Zeus)
  • Arkitektura
  • Mga Columns: Donic, Ionic, Corinthian

Mga Ambag ng Kabihasnan ng Gresya
Mga Dakilang Griyego 


  • Istruktura:
o Parthenon – templo na parangal kay Athena
§ Phidias – gumawa ng palamuti ng Parthenon
o Agora – parisukat na lugar bukas para sa mga pagsasalo at pagtitipon
o Temple of Olympian Zeus – templo parangal kay Zeus, ang ang hari ng Olympian Gods
  • Agham
o Pythagoras – Geometry (Pythagorean Theorem)
o Archimedes – circumference ng bilog; specific gravity
o Euclid – Ama ng Geometry
o Aristarchus – rebolusyon at rotasyon ng mundo
o Erastosthenes – circumference ng daigdig; latitude at longitude sa mapa
  • Drama
o Aristophanes – tanyag sa pagsulat ng komedya
o Aeschylus,Sophocles, Euripedes – drama/trahedya
  • Medisina
o Hippocrates – Ama ng Medisina
o Herophilus – Ama ng Anatomy
o Erasistratus – Ama ng Physiology
  • Kasaysayan
o Herodotus – Ama ng Kasaysayan
o Thucydides – sumulat ng History of the Peloponnesian War
  • Pilosopiya
o Socrates – katwiran at hindi emosyon ang dapat manaig sa pag-uugali;
§ “the unexamined life is not worth living”
o Plato – estudyante ni Socrates;
§ ang batas ay para sa lahat;
§ tanging mga pilosopo ang maaaring maging matalino at magagaling na pinuno
o Aristotle – estudyante ni Plato; guro ni Alexander the Great
§ pinag-aralan ang mga hayop, halaman, astronomiya, at pisika;
§ tiningnan ang iba’t ibang uri ng pamahalaan

Peloponnesian Wars
(431 - 404 B.C.E.)




  • Delian League – pagbubuklod-buklod ng mga lungsod-estado sa Greece sa pamumuno ng Athens
o Hindi mapayapa dahil pinilit ng Athens na pagbayarin ng buwis ang mga kasapi
o Kinakamkam ng mga Athenians ang mga lupain
o Inilaan ang mga pinakamagandang kalakal sa sarili
o Naging daan para magpalawig ng imperyong pangkalakalan ang Athens


DELIAN LEAGUE
V
S
PELOPONESSIAN LEAGUE
Sa pamumuno ng Athens
Kasama ang 150 lungsod-estado
Sa pamumuno ng Sparta
kasama ang mga lungsod-estado sa Peloponnesus
  • tinalo ng Sparta ang Athens noong 404 BCE
  • Battle of Leuctra – nawalan ng pamumuno ang Sparta sa mga nagsisigalot na polis
  • Naiwang hiwa-hiwalay ang Greece


Ang Macedonia at Si Alexander the Great 

King Philip II 
  • paghanga sa kulturang Greek
  • kinuha si Aristotle upang maging guro ng anak
  • sakupin at pag-isahin ang mga lungsod-estado ng Gresya
  • Labanan sa Chaeronea – nalupig ng Macedonia ang Greece
  • Planong sakupi ang Persia
  • Pinatay ng sariling boy-guard

Alexander the Great 
  • Macedon
  • Ipinganak noon Hunyo 20, 356 BCE nina Philip II at Olympias of Epirus
  • 20 taong gulang noong mahirang na hari ng Macedon (336 BCE)
  • Magaling na manlalaro
  • Estudyante ni Aristotle
    - pinakamagaling at pinakadakilang lider pangmilitar sa kasaysayan ng daigdig
    - pinakamalaking imperyo sa daigdig
    - sinimulan niya ang pakikipagsapalaran sa dimaan nang masugpo ang watak-watak na Gresya at idineklara ang sarili bilang hari nito
    - Layunin – pag-isahin ang lahat ng tao at pagsamahin ang mga kultura ng GreeceEgypt, Fertile Crescent at India
  • Kultura ng Silangan + Kultura ng Kanluran
  • - Hellenistiko – East and West Culture
    - Nagtatag ng 70 lungsod-estado, kabilang ang Alexandria(Egypt)
    - Ang mga nasakop ay ginamit upang maglingkod sa pamahalaan at sa kanyang hukbo
    - Hindi nagpapabayad ng buwis


Kulturang Hellenistic Hellenistic Greece
  • Hellenic – kabihasnan
  • Hellenes – tao
  • Hellenistik – magkasamang kultura ng Greece at Asia (Greco – Oriental)
  • Sentro: Alexandria (Egypt), Antioch (Syria), Perganum (Asia Minor)

Kasaysayan ng Pananakop ni Alexander the Great 
  • 334 BCE – tinawid ang Asia Minor kasama ang 35,000 hukbo
o Granicus River – unang labanan
o Pinalaya ang mga Greek sa Asia Minor
  • 333 BCE – labanan sa Issus
o Alexander laban sa mga Persiano
o Umatras si King Darius III
o Nasakop ang Phoenicia
  • 332 BCE – nasakop ang Egypt
o Ginawang pharaoh si Alexander
o Natatag ang Alexandrea - sentro ng kultura
  • 331 BCE – labanan sa Gaugamela
o Persiano vs. Alexander
Babylon
o Napasakamay ang lungsod ng Susa
Persepolis
==> itinuturing ni Darius III na royal city
==> pinasunog
  • 327 BCE – buong Imperyong Persiano ay nasakop
o Narating ang lambak ng Indus
o Labanan sa Pakistan – namatay si Bucephalus (paboritong kabayo ni Alexander)
o Natigil ang pananakop
  • 323 – namatay si Alexander the Great
o Nahati sa tatlong kaharian ang kanyang imperyo
    1. MacedoniaGreece – Antigonus
    2. Egypt – Ptolemy
    3. Imperyong Persia – Seleucus
Posted by: Denver Aragon




1 komento: